Sinong may pakana?
.,iyan ang reaction ko pagkatapos ko maki-update sa kaganapan sa Pilipinas.
madami akong narerecieve na text msg. tungkol sa hostage na nangyari pero pinili kong matulog na lamang sa pag aakalang isa lamang ito sa mga pang karaniwang krimen sa bansa.
Subalit ngayon nasaksihan ko gamit ang sarili kong mga mata ang karimaldumal na pangyayari sa bansang pilipinas sa nakaraang labing limang oras o lampas pa
SINO ang SINO?
BAKIT nga ba BAKIT?
ANO ba ang ANO?
sa mga nabasa ko,
maraming sinisisi ang mga pulis..
IKAW?isa ka ba sa sumisisi sakanila?
kung isa ka sakanila,may tatanong ako sa'yo..
Kung ikaw ba sila ano ang gagawin mo?
may magagawa ka ba?
maaaksyunan mo ba?
papasok ka sa bus?
magpapaka bayani ka?
ganon?
sa milyong milyong tao sa pilipinas o kahit sa mundo marahil mabibilang natin sa ating mga daliri kung ilan ba talaga ang handang magbuwis ng buhay para sa iba.
Hindi natin sila dapat sisihin sapagkat hindi ka naman napunta sa kalagayan nila para husgahan mo ang pag kakamali nila.
OO,palpak nga ang serbisyo nila,
pero sa mag reklamo ka?
may mababago ba?
sa halip na mag ngit ngit ka,gumawa ka na lang ng makabuluhang bagay,
bakit hindi ka mag pulis at para sa next hostage taking ikaw ang rumampa? lol.
SERYOSO ako,
hindi ko sila kinakampihan,
nagkataon lamang na hindi ko sila hinuhusgahan.
Kaunting respeto naman sa kanila,tao rin lamang sila,
nakakaramdam ng takot
nakakaranas ng pag kakamali.
Kung ikaw ay perpekto,sige hindi na ako iimik
Ang iba sa nabasa ko media naman ang sinisisi.
kesyo mas nakagulo daw ang media sa nangyaring krimen..
ISA ka rin ba sakanila?
matanong ko lang..
paano mo malalaman na nangyari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa media?OO,siguro nga naging insensitive sila at hindi nila pinili ang mga ibinahagi nila sa TV
subalit naisip mo ba na nagawa nila yun para sa'yo?
para sa akin?
para sa iba?
ang ginusto lamang nila ay maging alarma ka sa bawat takbo ng kamay ng orasan,
hinangad lamang nilang iparating sa atin ang bawat detalye ng kaguluhan..
BAKIT MO SILA SINISISI?
Siguro nga nag kamali sila,
e ang ginagawa mong panghuhusga?
TAMA BA?
Marami sa atin ang abalang abala sa pag kokomento sa pangyayari kahapon,
may maganda pero karamihan ay pangit na opinyon ang naririnig ko sa kabi-kabilang panig ng ibat ibang parte sa mundo.
HINDI BULAG ang sistema sa pilipinas,
ang mga nag papatakbo dito ang bumubulag dito.
Walang maiitulong ang reaksyon mo kung ikaw mismo ay hindi umaaksyon dito.
hindi sapat na naiisip mo lamang ang isang bagay,
dapat ibinabahagi ito.
hindi rin sapat na naibahagi mo ito,
dapat ikaw mismo sa sarili mo kaya mong isagawa ito.
Hindi pa nililikha ang taong magliligtas sa mundo o sa bansa mo,
subalit nilikha ka para isalba mo ang sarili mo.
...pasintabi po sa mga hindi magugustuhan ang blog ko na'to,opinyon ko 'to,
gumawa kayo ng inyo.
No comments:
Post a Comment